Because – Marlboro Black 2


Mukang desidido ka na sa mga huling sinabi mo
At parang ang lahat ng galit sa mundong dala-dala ay sa ‘kin isinalin oh
‘Di na ba hahanap pa ng paraan
Pabalik sa taas wala na bang hagdan
Bangka ay palubog ‘di na masasagwan
Palusot sa butas ay ‘di na natatakpan
Kung pwede lang ulit na manalo sa roleta
At maibalik nung wala tayong problema
Plano nating bahay at masasayang eksena
Ngayon ay isisilid na natin sa bodega

Kasi ‘di na tama
‘Di inakalang
Wala pala sa piling ko ang hanap mong ginhawa
Gusto mang manatili pero ‘di na ‘to gagana
Tayo ay wala na, wala na
Hindi rin natin alam magkakaganto
‘Lam ko na mas ayos ka nang wala ako
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit ‘di ka masaya, hindi ka masaya
Hindi rin natin alam magkakaganto
Hawak-hawak ko na lang ang larawan mo
Kesa naman tayo pa magkasama
Ngunit ‘di ka masaya, hindi ka masaya

Pwede ba na time first muna sandali
Baka maantay magkaro’n ng time machine
Pumunta sa saglit na nakita ang ngiti mo
At ang panahon na abot-tenga ang ngiti ko
Ngayon ang kampi kala mo ay magkalaban
Ngayon ay gantihan na lang ng kasalanan
Mga simpleng bagay lang ay pinag-iinitan
At sanay na sa murahan na palitan
Sa tuwing galit ka, galit din ako
‘Gang sa ‘di na naaayos nangunguna ang tampo
‘Di alam kung sumosobra na o nagkukulang ba ‘ko
Ang litratong maganda bakit tuluyang lumalabo

Kasi ‘di na tama
‘Di inakalang
Wala pala sa piling ko ang hanap mong ginhawa
Gusto mang manatili pero ‘di na ‘to gagana
Tayo ay wala na, wala na
Hindi rin natin alam magkakaganto
‘Lam ko na mas ayos ka nang wala ako
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit ‘di ka masaya, hindi ka masaya
Hindi rin natin alam magkakaganto
Hawak-hawak ko na lang ang larawan mo
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit ‘di ka masaya, hindi ka masaya


More on Because