Because – Di Na Sana (feat. John Roa)


Huli na ba na ayusin
Ang aking nasirang pagkakataon
Gusto kong pihitin ang orasan
At baka sakaling magbago ang
Lahat at ‘di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Lahat at ‘di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Sana, sana
‘Di ka natrato nang tama
Ilan na pinagdaanan
Iniwan ika’y kinawawa

Sinabi kong ‘di kita sasaktan tulad nila
Bakit ‘di naiwasan
Ito ba ang tinadhana
Ito ba ang tinadhana
Ohh
Malinis mo na hangin aking pinuno ng usok
Papel mo sa ‘king buhay ay sinunog
Tanga-tangahan parang ‘di tinuro
Sa akin dismayado ang ninuno at
Ayoko nang lumapit sa katapusan
Pwede ba na bumalik sa simula
Sa kanila papamukha kung sino ka
Mamahalin higit pa sa ‘king katawang lupa
Itanim pabalik pag-ibig dating sinlawak ng gubat
Kung ‘di ka papadapuan, walang malalim na sugat
‘Di ka magkakaganto, tulad ngayon, ohh
‘Di ka magkakaganto, tulad ngayon, ohh

Huli na ba na ayusin
Ang aking nasirang pagkakataon
Gusto kong pihitin ang orasan
At baka sakaling magbago ang
Lahat at ‘di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Lahat at ‘di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Sana, sana
‘Di ka natrato nang tama
Ilan nang pinagdaanan
Iniwan ikay kinawawa

(‘Di ka magkakaganto tulad ngayon)
‘Di ka natrato nang tama
Ilan nang pinagdaanan
Iniwan ika’y kinawawa
(‘Di ka magkakaganto tulad ngayon)


More on Because