Bandang Lapis – Pagsisisi

Patawarin mo ako
Sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sa’yong nagawa

Hinatak na ng hangin
Nilamon na ng lupa
Ang ating pagmamahalan
‘Di ko akalain
Na magkakaroon ng lamat
Matagal nating pagsasama

‘Di ko sinasadya
Maakit sa diwatang
Nababalot ng hiwaga

Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito

‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong

Kasalanan!
Kasalanan!

Matagal kong pinag-isipan
Kung tama ba ang landas
Na aking tinatahak
‘Di ko inaakalang
Naliligaw na pala
Ako ng daanan

Imbis na lumalapit
Napapalayo sa iyo
Ang aking sarili

Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito

‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong

Kasalanan!

Bakit nangyari sa’tin to?
Nawala ang lahat!

‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong

Kasalanan!
Kasalanan!
Kasalanan!


More on Bandang Lapis