Autotelic – Bago


Kung sabihin ko meron bang magbabago?
Kung malaman mo, ako pa rin ang may sala
Ang tagal nating narito at naghihintay
Naninikip ang dibdib
Naninigas ang mga tuhod

Ang iyong hangarin
Di na tulad ng akin

Bago ko pa naman sabihin
Alam na nating hindi na tayo sa huli
Bakit pinagpipilitang angkinin
Ang ‘di na para sa atin

Aaminin kong ‘di na tulad ng dati
Kandilang namatay ang sindi
Kasalanan bang wala nang nararamdaman?
Sa halip na magpanggap
Haharapin ang katotohanan

Ang iyong hangarin
Di na tulad ng akin

Bago ko pa naman sabihin
Alam na nating hindi na tayo sa huli
Bakit pinagpipilitang angkinin
Ang ‘di na para sa atin

Tadhana nagbago
Yan ang ating puno’t dulo
Bago pa naman sabihin
Alam na nating
‘Di na tayo ang pipiliin sa huli


More on Autotelic