ATLAST – Kahel


Madaling araw kung saan

Pagsilip sa bintana walang tao sa daan

Diretso sa kusina humigop ng kape

Kagigising lang kanina kasi

 

Sayo ang oras ko, kahit magkalayo

Sabay ang paglakbay di man magkahawak kamay

Maaga man ito, ikaw aking mundo

Sa vc katagpo ang aking kinabukasan

 

Konteng tiis sa ngayon di kasama

Swerte mapalad na ikaw nakilala

Kahit pagitan ng oras ay anim

Hindi hadlang ang distansya mo sakin

 

Di ko ramdam ang antok sabik makausap ka

Tanggal lahat ng pagod basta masilayan na

Iyong ngiti ang aking medisina

Sa umagang madilim ikaw ang nais lang makita kasi

 

Sayo ang oras ko, kahit magkalayo

Sabay ang paglakbay di man magkahawak kamay

Maaga man ito, ikaw aking mundo

Sa vc katagpo ang aking kinabukasan

 

Simpleng pagkatao alay pagmamahalan

Ang kasiyahan hangad satin ng kapalaran

Mahal kung pwede lang hatid sundo kita

Hindi pwede ikumpara kung gano ka kahalaga

 

Panalangin ko lang lage

Sana ok ka lang diyan

Nakatingala sa langit

Na ang dalangin pagbigiyan

 

Sana wag kang magsasawa

Iwasan lang ang drama

Habang buhay masaya

Basta tayo’y magkasama

 

Makapiling sa umaga

Kalambingan pa sa kama

Tuparin ang mga planong

Sa atin naka pangako

 

Inspirasyon ka sa pag likha ng tula

Maganda umaga ko dahil sayo nagsimula

 

Sayo ang oras ko, kahit magkalayo

Sabay ang paglakbay di man magkahawak kamay

Maaga man ito, ikaw aking mundo

Sa vc katagpo ang aking kinabukasan

 

Konteng tiis sa ngayon di kasama

Swerte mapalad na ikaw nakilala

Kahit pagitan ng oras ay anim

Hindi hadlang ang distansya mo sakin

(REPEAT)


More on ATLAST