Arcos x Tyrone – Kasalanan Ko


Ako ang dahilan kung bakit hindi na

Bumalik ang dating tawa

Nagsawa ka nalang bigla dahil saking nagawa

Kasalanan na paulit ulit nalang

 

Alam mo bang hindi ko gusto

Na tayong humantong sa ganito

Hindi makabawi sayo parati

Dahil ang layo ko sayong tabi

 

Patawarin mo ako sa pagkukulang ko

Ayoko lang na dito matapos ang tayo

Patawarin mo ako kung lagi lang gan’to

Poblema lang palagi ang hatid ko sayo

 

Kasalanan ko lahat

Kung bakit napawi ang iyong mga lambing

At magsisilbing sigla ng ngiti

Bumabalot sa tuwing ika’y aking kapiling

 

Kasalanan ko kung bakit ka umiiyak palagi

At ang puso mo’y nahahati

Sa pagdedesisyon kung dapat bang ituloy ang relasyon na ‘to

O mas mabuti pang bitawan na ang tayo

 

Alam mo ba aking mahal

Gustong gusto na kitang makasama

Di ka makita ng matagal

Alam mo naman na hindi ko makaya

Dahil ang buhay na ‘to pag wala ka

Di ko makita na parang wala na

Nga tong pag asa pa na lumigaya

 

Nangungulila sayong mga tawa

Mga lambing at mga palad

Mga ngiting napakabanayad

Di ka kasama’y nakakabahala

 

Aking damdamin ay di mapanatag

Dahil ayokong mangyari hapdi ng pag ibig ay madama mo sa mundo

Ngunit nangyari na nga to sa atin

Ang masakit kasalanan ko ‘to

 

Mahal patawad kung palagi kang nasasaktan ng ako ang dahilan

Kaya kahit gusto ng bumitaw ay nandito ako nagsilbing kapitan

Dahil alam ko naman na kasalanan ko nga ang lahat

Di ko malaman kung sobra o kulang dahil akala ko nga ay sapat

 

Ang pagmamahal ko nandidito ako para sayo

Kahit di ko tiyak kung ang pagmamahal ko ay tama pa ba?

Bakit kailangan mong umiyak ng palagian

Kaya di mo kasalanan kung mawawalan ka ng gana

Basta alam ko lang na di ko na kaya na harapin ang bukas ng wala ka

 

Kasalanan ko kung bakit ka umiiyak palagi

At ang puso mo’y nahahati

Sa pagdedesisyon kung dapat bang ituloy ang relasyon na ‘to

O mas mabuti pang bitawan na ang tayo

 

Kasalanan ko kung bakit ka umiiyak palagi

At ang puso mo’y nahahati

Sa pagdedesisyon kung dapat bang ituloy ang relasyon na ‘to

O mas mabuti pang bitawan na ang tayo


More on Arcos