Antipara – Walang Tayo


Nanlalamig
Ang puso kong nanginginig
Uhaw na damdamin
Kailan ka lalayo sa’kin?

Kinukubli
Oh kay tagal kong nagkukunwari
Tanging ikaw ang may alam
Kung ba’t hindi ako at siya na lang

Alaala na wala na
Ikaw at ako
Ngunit walang tayo

Iniisip
Sa puso ko ikaw ang siyang tinik
Ako’t ikaw ang nagpasya
Tapusin ang meron sa’ting dalawa

Alaala na wala na
Ikaw at ako
Ngunit walang tayo

Hindi ko manlang malaman kung nasan ka na
Hindi ko manlang maisip na nagkaganyan ka
Hindi malilimutan na minsan tayong nagmahalan
Ito lang ang masasabi ko
Ayoko man ngunit dapat ‘to

Lilimutin na kita
Hindi na babalikan pa

Ikaw at ako
Ngunit walang tayo

Alaala na wala na
Ikaw at ako
Ngunit walang tayo
Ngunit walang tayo

Ngunit walang tayo


More on Antipara