Anthony Rosaldo – Pwedeng Tayo


Ilang oras sa araw-araw ay magkasama
Pumipiglas, gumagalaw ang pusong may kaba

Para bang may iba nang nararamdaman
Gusto kong mapatunayan na
Ikaw at ako o saan ba ito
Patungo ‘di ko malaman kung ano ba tayo talaga

Oo nga naman
Alam na alam, na alam mo naman
‘Di tayong dalawa
O baka naman
Alam na alam na alam mo naman
Ang kasagutan sa tanong
Kung tayo, tayo, tayo ba?
Kung tayo na?

Magkausap sa gabi, sa araw ay walang paki
Nasasaktan ‘di ko masabi
Na gusto kitang mas madalas makatabi

Para bang may iba nang nararamdaman
Gusto kong mapatunayan na
Ikaw at ako o saan ba ito
Patungo ‘di ko malaman kung ano ba tayo talaga

Oo nga naman
Alam na alam, na alam mo naman
‘Di tayong dalawa
O baka naman
Alam na alam na alam mo naman
Ang kasagutan sa tanong
Kung tayo, tayo, tayo ba?

Habang nakakasama ka
Lalong tumitindi aking nadarama
Sana mapag-usapan na
Dahil mayro’ng masasaktang iba
‘Pagkat pareho tayong mayro’n na

Oo nga naman
Alam na alam, na alam mo naman
‘Di tayong dalawa
O baka naman
Alam na alam na alam mo naman
Ang kasagutan sa tanong
Kung tayo, tayo, tayo ba?

‘Di pwedeng tayo
Hindi pwedeng tayo


More on Anthony Rosaldo