Anna Aquino – Kung Sabagay


Hindi na makausap
Hindi na makilala
Hindi ko na makita pa sayong mata
Na ikaw ay masaya

Sana ay sinabi
At di ko na sinisi
Akoy pagal sa diwa mong kay pait
Kay pait

Kung sabagay nga naman
Ang lahat ay natapos ng walang dahilan
Kung sabagay nga naman
Hindi ko na mababago ang puso at ang isip mo

Ngayon ay nagsisisi
Sa lahat ng mga nasabi
Hindi na sana iniwan pang nag-iisa
Nag-iisa

Sana ay malaman mong akoy hindi magbabago
Ang puso ko ay para sayo
Ito’y para sayo

Kung sabagay nga naman
Ang lahat ay natapos ng walang dahilan
Kung sabagay nga naman
Hindi ko na mababago ang puso at ang isip mo

Kung sabagay nga naman
Unti-unti kang nagbago
Palayo sa’king mundo
Kung sabagay nga naman
Mula ngayon ay sinabi mong ayoko na sayo

Kung sabagay


More on Anna Aquino