Angela Tinimbang – Black


Hindi ko alam
Kung gugustuhin ba’ng paalam
Kung ito naman magwawakas ng istorya natin

Siguro magtitiis na lang
Magbabakasakali
Balang araw muli kitang makikita’t makakasama

‘Di bale ng malabo
‘Di bale ng maguluhan
Basta’t sa puso’y mananatiling
Ikaw ay maliwanag

Hanggang sa muli
Hanggang sa muli

Oh oh oh oh

Nandito lang ako
Pagmamasdan ka mula sa malayo
Itatago ko ang mga alaala mo

Hindi na ipipilit
Mananatili
Baka bukas magkita naman ulit

‘Di bale ng malabo
‘Di bale ng masaktan
Basta’t sa puso’y mananatiling
Ikaw ay maliwanag

Hanggang sa muli
Hanggang sa muli

Oh oh oh oh

Titingala na lang sa langit
Kakausapin ka sa kalawakan
At kahit hindi na makita sa ‘king mga mata
Mananatili ka’ng buhay sa aking puso

Hanggang sa muli
Hanggang sa muli

Hanggang sa muli
Hanggang sa muli
Hanggang sa muli
Hanggang sa muli

Oh oh oh oh
Oh oh oh oh


More on Angela Tinimbang