ALLMO$T – Wag Na Sana (Peso Mercado)

Basta ikaw ang aking makasama
Handa ‘kong ibigay lahat akong bahala
Ipapangako mo lang sa akin
Hindi na sana maulit
Ang pagtanim ng iyong galit

Baby kasi naman hindi ko na alam
Matapos kang bigyan bukas magtatampo ka na naman
Kaya ‘wag sanang maulit ‘yang pagsimangot mo sa ‘kin
Hindi ‘yan bagay sa atin, pag-usapan na lang natin

Hindi naman sa ako’y nagsasawa
Lalayo nang wala lang sana’y iyong unawaan
Ayoko lang tayo mahirapan
Puso ay masugatan, tumagal tayo sana

‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

‘Di natin maiwasang magkatampuhan sa
Mga maliit na bagay away kaagad ‘pag pinahaba pa
Parang kanina lang ay nag-uusap
‘Di ko mahagilap kung bakit para bang napakahirap
Natin mag-ayos kahit na
Alam ko na kung sa’n pupunta
Pareho lang naman nating ayaw mawala ang isa’t-isa
Masyado lang tayo sigurong
Nagpapaapekto kaya ‘pag nadadala
Ay ‘di natin mapigilan ang galit kaya ‘pag nagtalo sarado palagi ang isip
Hey, ‘wag kang magalit baby lika na
Hey, lambing mo lang sa ‘kin ay ayos na
Hey, mag-away ‘di ko magagawa
Ang iwan ka na lang nang mag-isa basta

‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

Tuwing tayo’y nagtatalo ay ‘di malaman
Kung pa’no ba nagsimula ang pinag-awayan
Mga bagay na ‘di natin inaasahan
Na dumating sapagkat tayo ay nagmamahalan

Porket ‘di nakareply
Ay agad magtatampo
Alam mo namang
Ikaw lamang ang sa ‘kin pinagtagpo

Yuh!

Hindi na ‘ko maghahanap pa ng iba
Sana ‘wag mo nang pag-isipan pa ako ng masama
Dahil alam mo namang ika’y wala nang katapat
‘Di ka pwedeng kumpara ibang klase ka sa lahat
Kung pa’no kita nakilala sana ay hindi magbago
Totoo ako sa ‘yo, pangakong hindi maglalaho

Yuh!

‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

Dalawang mundo’y nagtagpo
Puso ay nagkasundo
Tampo’y makikigulo
Kahit ‘di natin gusto

Kung pwede ko lang ibalik ang lahat ng mga binitawan ko
Para lang gumaan ang puso’t mawala ang pagtatampo
Sana ikaw na lang ang makasama
Makausap makayakap hanggang umaga
‘Di na ‘ko umaasa na lalala pa
Tayo lang magsasama gabi hanggang umaga

Ikaw lang ikaw
Ang pinakamagandaang dalaga
Kamay mo lang gustong mahawakan
Bigyan mo naman ng tsansa kasi nga

‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

Hindi ka ba napapagod
Kasi paulit-ulit na tayong nagtatampuhan
Bakit di maiwasan
Palagi na lang ganyan
Pwede bang
Bawasan natin ang
Mga away dahil
Baka ito pa ay lumala
Kasi alam
Alam mo bang hirap na hirap ako
Lalo kapag sinusungitan mo
‘Wag mo na kasing
Idaan sa galit
At sana ‘wag mong ipagpalit
Kasi kahit na paulit-ulit kang masungit sa ‘kin
Puso ko’y sa ‘yo pa rin

‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!


More on ALLMO$T