ALLMO$T – Tampo

Kahit minsan nagagalit ka
At sa ‘kin ika’y nagtatampo
Puso ko’y ‘di na mababaling sa
Iba dahil ikaw lang ang laman nito
Kaya please
Baby, baby, come tonight
Promise baby that I’m gonna be polite
‘Di ka papatulugin nang may galit sa ‘kin
Habang maaga pa’y ayusin natin

Walang madali pero kung pag-uusapan natin
Ay mas maluwag na mapapalitan ang galit sa ‘kin
Hindi ko gusto na tayo’y umabot pa sa ganito
Ayokong matulog nang wala ka man lang dito sa tabi ko
Dahil kahit na anong mangyari, ikaw pa rin naman ang tangi
Na sa akin na may-ari sa mundo na magulo
Ikaw ang gusto kong lumitaw bilang bahaghari, ugh
Mag-away na tayo kahit ilang ulit pa ‘yan
‘Wag lang maghiwalay kung sakaling mangyari man ‘yan
Siguradong buong araw nang matamlay
Hindi sa nagpapapansin
Alam kong hanap mo lang din ay lambing
Pasensya kung minsan pangit ang dating
Nang mag-away, ‘wag na natin palakihin
Pwede bang ‘wag ka nang umalis pa
Init ng ulo mo’y ialis na
Gusto ko lang na i-kiss ka
Imbis mainis, sige halik na, ugh

Kahit minsan nagagalit ka
At sa ‘kin ika’y nagtatampo
Puso ko’y ‘di na mababaling sa
Iba dahil ikaw lang ang laman nito
Kaya please
Baby, baby, come tonight
Promise baby that I’m gonna be polite
‘Di ka papatulugin nang may galit sa ‘kin
Habang maaga pa’y ayusin natin

Yuh!
Minsan ay ‘di madali
Na suyuin ka kapag galit ‘di na matimpi
Lalo na sa oras natin na hirap magtagpo
Matutulog ka na lang, du’n ka pa magtatampo, yuh!
Agad-agad tatawag ‘to sa phone mo
Hindi na ‘ko magbabalak na maghanap ng clone mo
Gusto lang na makausap ka bago matulog
Pinag-awayan natin para bang wala sa hulog
Hindi ko na ‘to papatagalin (tagalin)
Ikaw lang aking mamahalin (mahalin)
Kahit mahirap ang relasyon natin
Parehas natin papatagalin (tagalin)
Kung madalas na magkamali (magkamali)
Masama man pinagsasabi (sasabi)
Tandaan lagi walang tatagal
Kung palagi tayong nagmamadali, yuh! (madali)

Kahit minsan nagagalit ka
At sa ‘kin ika’y nagtatampo
Puso ko’y ‘di na mababaling sa
Iba dahil ikaw lang ang laman nito
Kaya please
Baby, baby, come tonight
Promise baby that I’m gonna be polite
‘Di ka papatulugin nang may galit sa ‘kin
Habang maaga pa’y ayusin natin

Ang hirap nang umiwas nang hindi mag-away
Makapagmura nadadaig mo pa si nanay
Parang awa mo na, ‘wag nang pahabain pa
Nawawala pa yung tyansa na makasama ka
Minsan lang naman kitang mahalikan (minsan lang, kitang mahalikan)
Pwede ba nating tagalan para walang maidahilan
No oh
Halika na baby (halika na)
Patawarin mo na sana ako (patawarin mo na sana)
Miss kita lately
Ano na ba ang kalagayan mo

Kahit minsan nagagalit ka
At sa ‘kin ika’y nagtatampo
Puso ko’y ‘di na mababaling sa
Iba dahil ikaw lang ang laman nito
Kaya please
Baby, baby, come tonight
Promise baby that I’m gonna be polite
‘Di ka papatulugin ng may galit sa ‘kin
Habang maaga pa’y ayusin natin

Hinding-hindi magsasawa na
Sa ‘yo palaging umunawa at
Kahit na ‘di laging kasama
Ang mga yakap mo pa rin ang nais sa umaga
Ikaw pa rin
Kahit na minsan ‘di mo pinapansin
‘Di ko alam anong gusto mong palabasin
Pero ‘wag sana, ‘di magsasawang ika’y mahalin
‘Di mo ba nakikita
Na nakakapit pa rin
Sinusuyo pa rin
Ano bang kailangang gawin kasi nga

Kahit minsan nagagalit ka
At sa ‘kin ika’y nagtatampo
Puso ko’y ‘di na mababaling sa
Iba dahil ikaw lang ang laman nito
Kaya please
Baby, baby, come tonight
Promise baby that I’m gonna be polite
‘Di ka papatulugin ng may galit sa ‘kin
Habang maaga pa’y ayusin natin


More on ALLMO$T