ALLMO$T – Space


Ngayon ko lang mararanasan
Ang lamig ng gabi na ‘di mo ‘ko kailangan
Ang bilis, sandali, pwedeng teka na muna
Kung gano’n kadali sa ‘yo na hindi lumuha
Kung alam mo lang noon pa lang nahihirapan na
Pinipilit tanggapin kahit mukha na ngang tanga
Sa ‘yong harap nagmamakaawang ‘wag na muna
Naghahanap ng dahilan nang ‘di ‘to masira
Kasi dahan-dahan nang nabubura
Mga alaala na lamang ang natitira
Hanggang kailan kaya
Mananatili na mag-isa
Hindi naman natin kailangang umabot sa gan’to
Parehas lang naman nating ayaw na magkalayo
Siguro nga lahat merong hangganan, hindi madali
Na mabalik ang dating pareho tayong sabik
Ang hirap paramdam ako’y lumalaban pa
Kahit ‘di mo alam na nahihirapan na
Tuparin ang mga pinangako sa ‘yo
Dahil tumigil lang bigla ikot ng aking mundo kaya

Saan na tayo
(Kumapit ka muna, babawi ako)
Tutungo
(Kumapit pa sana sa pag-ibig ko)
Kung pareho lang din na
(Sundan mo na muna ‘ko sa ‘king mundo)
Naglalakad palayo
(Madaanan mo sana ating unang tagpo)
Saan na tayo
(Kumapit ka muna, babawi ako)
Tutungo
(Kumapit pa sana sa pag-ibig ko)
Kung pareho lang din na
(Sundan mo na muna ‘ko sa ‘king mundo)
Naglalakad palayo
(Madaanan mo sana ating unang tagpo)

Kasi hindi mo na kailangan pang ipilit
Huli na ang lahat, nawala na yung pag-ibig
‘Wag ka na munang umasa sa akin
‘Di na kailangan, mas mabuti na lang sigurong ‘wag isipin
Pero sa totoo lang, hindi pa rin ako handa
Naaalala ko lang nung tayong dalawa’y masaya
Ang hirap mong makalimutan
Hindi kita mababayaan
Kahit na minsan ay nakakainis at
‘Di magawang lumisan at ‘di rin matiis ang gabi
Na hindi ka kausap
Kailan kaya
Kailan ka babalik
Babalik sa akin
Kung ‘di pa para sa ‘tin ‘tong panahon ay ‘di pipilitin
‘Wag kang mag-alala, maghihintay ako
Magtitira pa rin ng lugar sa pag-ibig mo
Ngayon ko lang mararanasan
Ang lamig ng gabi na ‘di mo ‘ko kailangan

Saan na tayo
(Saan na tayo)
Tutungo
(Tutungo)
Kung pareho lang din na naglalakad palayo
(Naglalakad palayo)
Saan na tayo
(Kumapit ka muna, babawi ako)
Tutungo
(Kumapit pa sana sa pag-ibig ko)
Kung pareho lang din na
(Sundan mo na muna ‘ko sa ‘king mundo)
Naglalakad palayo
(Madaanan mo sana ating unang tagpo)


More on ALLMO$T