ALLMO$T – Rebound


‘Di ko na alam kung pa’no pa ‘ko
Haharap sa ‘yo sa tuwing tinitignan kita
Ay siya lang din naman ang tanging naalala ko
Ayoko din naman kasing maramdaman ko ‘to
Ayoko din na dalawa kayo sa buhay ko
Kaya kung pwede lang na ‘di na tumagal
Para wala nang sumugal ay aaminin kong mali ko ‘to
Pinipili ko siya pero mahal kita
At totoo lahat ng aking pinapadama
Pero hindi ko naman kayang itago na lang
Kung ano ang gusto ko talaga na magawa
Dahil ako ang dahilan kung bakit ka na lumuluha
Hindi ko kayang magpigil na lang na ‘di makuha
Sa ‘yong mga bibig tatanggapin ang mga galit
Kung ang kapalit nama’y paglaya natin
Ay walang madaramang sakit sa akin

Pasensya na
Kung mas pinipili ko siya kesa sa ‘yo
Hindi ko na nga alam kung pa’no ako
Magbabago
Nasanay na ‘kong nandyan ka
Ngunit palaging iniisip siya
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Ohh
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n

Naaalala ko pa nu’ng nililigawan ka
Yung panahon na tayong dalawa’y magkasama pa
Inaamin ko naman na minsan nami-miss kita
Wala na ‘kong magagawa kasi nga mas pinili ko na siya
Kaya pasensya sa ginawa ko
Patawarin mo sana ako sa lahat ng mga kasalanan ko
‘Di ko na kaya sa ‘yo magtago
Kaya pinili kong umamin na lang sa ‘yo

Pasensya na
Kung mas pinipili ko siya kesa sa ‘yo
Hindi ko na nga alam kung pa’no ako
Magbabago
Nasanay na ‘kong nand’yan ka
Ngunit palaging iniisip siya
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Ohh
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n

Palaging nagdadalawang-isip
Kung pa’no nga ba ‘to malalampasan
Parehas ko naman kayong inibig
Pero ayoko rin naman na isa sa inyo ang aking masaktan
Araw-araw ka na tumatakbo sa aking isip
Pagdating ng gabi siya naman ang sa panaginip
Hindi ko rin naman gustong itago kung ano ang
Totoo pero parang gusto ko munang manahimik
Pinapadama kung gaano ka kahalaga
Sa kanya ko naramdaman kung pa’no sumaya
Kahit na sabihin ko ngayong mahal kita
Hindi pa rin maisip bakit ko sa ‘yo ‘to nagawa
Wala namang intensyon na ang puso mo’y sirain
Kasalanan ko kung bakit ka naging iyakin
Hindi ko akalaing aabot sa ganito
Pero kundi dahil sa ‘yo ‘di nabuo ang puso ko, yeah

Pasensya na
Kung mas pinipili ko siya kesa sa ‘yo
Hindi ko na nga alam kung pa’no ako
Magbabago
Nasanay na ‘kong nandyan ka
Ngunit palaging iniisip siya
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Ohh
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n

Patawarin mo ‘ko kung ngayon ko lang nasabi
Hindi ko din maintindihan kung bakit pa siya nasali
Sa mundo na ipinangako ko na sa ‘yo lang
Napaniwala pa kita sa salita na tayo lang
Pasensya kung mas nasanay na ‘ko na kasama siya
Hindi ko ginusto na paiyakin at iwanan ka
At sana’y maintindihan mo na
Ayoko nang magsinungaling pa

Pasensya na
Kung mas pinipili ko siya kesa sa ‘yo
Hindi ko na nga alam kung pa’no ako
Magbabago
Nasanay na ‘kong nand’yan ka
Ngunit palaging iniisip siya
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Ohh
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n

Pasensya na
Kung mas pinipili ko siya kesa sa ‘yo
Hindi ko na nga alam kung pa’no ako
Magbabago
Nasanay na ‘kong nand’yan ka
Ngunit palaging iniisip siya
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Hindi tulad niya
Hindi gano’n
Hindi gano’n
Ohh
Mahal ko siya at mahal din kita
Pero hindi gano’n


More on ALLMO$T