ALLMO$T – Pagsuko


Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na, susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na ‘yung dating init
Nung sumuko ka na, sumuko ka na

Yung parteng ‘to ay ‘di ko napaghandaan
Dahan-dahang nawala nang ‘di man lang nahigpitan
‘Yung kapit sa ‘yong kamay nang ‘di ko nagawang tignan
Nasasaktan ka na pala at ‘di mo ‘yun nagugustuhan
Kung wala nang panahon para maayos ‘tong nasira
Dapat lang din sigurong pagsisihan nang hindi na
Muling madugtungan ‘yung nabiyak na mga puso
Pagsuko na paalam lang ang siyang makakaguho
Sa ‘ting pinagsamahan, masakit dahil biglaan
Kasalanan ko naman kaso lang ayokong pagdaanan
Nating mahiwalay kung kailan tayo nagtagal
Ay du’n pa biglang lumabo ‘yung ating pagmamahal

Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na, susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na ‘yung dating init
Nung sumuko ka na, sumuko ka na

‘Di ko man lang nagawan ng
Paraan upang malabanan mo
Ang sakit
‘Di na mahigpit
Biglang nawaglit
Bakit ‘di ko napansin
Na mawawala ka na pala
Mhhhm
At sa ‘kin ay pagod ka na ‘di ba
Hmm
Kung naipakita ko lang ang iyong halaga
Siguro ay pipiliin mo pa rin na manatili
Hindi kita masisisi
Kasi ikaw lang naman ang umiintindi
Sa kalagayan nating dalawa
Ang hirap pala ng nag-iisa
At ngayong alam ko na
Pero wala ka na
Wala ka na
Ooh…
Wala na, wala na
Ooh…
Wala na, wala na

Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na, susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na ‘yung dating init
Nung sumuko ka na, sumuko ka na

Inaasahang malabong mapapatawad pa
Masakit din para sa ‘kin na hayaan ka
Bumitaw dahil lang sa napabayaan ko
Ang pag-ibig na laging pinaglalaban mo
Dati-dati ay palaging sabik
Laging sinasalubong mo ‘ko ng yakap at halik
Ngayon tila biglang kumupas na
Walang pag-asang magkalunas pa
Kahit na ulit-ulitin pa natin diligan
Huli na ang lahat para ako’y muling balikan
Bakit ba kung kailan ka pa nawala
Doon lang naramdaman
Kung ano ang tunay mo na halaga, yeah

Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na, susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na ‘yung dating init
Nung sumuko ka na, sumuko ka na

Inaamin ko naman na sayang talaga
‘Yung tayong dalawa bakit bigla na lang nawala
Bakit ka ba sumuko
Kasalanan ko siguro
Hindi ko maintindihan
Kung kailan nga naging seryoso
Ba’t bigla mo lang tatalikuran
Ang pinakamahirap
Kahapon lang ay masaya tapos
Ngayon ka lang nang-iwan
Kung alam ko lang
Iningatan na sana kita
Para ‘di ka na makawala

Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na, susuko ka na
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na ‘yung dating init
Nung sumuko ka na, sumuko ka na

Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na, susuko ka na
(Susuko ka na)
Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na ‘yung dating init
Nung sumuko ka na, sumuko ka na


More on ALLMO$T