ALLMO$T – Missed Call


‘Wag mo na ‘kong tawagan
‘Di ba ‘di mo na ‘ko kailangan
Ano ba ang kasalanan
Hindi ko nalaman
Kung bakit biglaang nawala
‘Di ka man lang nagpaalam

‘Wag mo na ‘kong tawagan
(May mahal ka nang iba)
‘Di ba ‘di mo na ‘ko kailangan
(Kaya sa iba ka napunta)
Ano ba ang kasalanan
Hindi ko nalaman
Kung bakit bigla kang nawala
‘Di ka man lang nagpaalam

Bakit ‘di ka man lang nagpaalam sa ‘kin
Siguro nga’y ganun lang kadali sa ‘yong limutin yung sa atin
Kaya ka nangati agad tapusin na yung pagsasama natin
Pero ‘di mo ba naisip
Hindi mo man lang nagawang sumilip
Imbis lumawak pa ay mas kumitid
Na intindihin na lang na pansamantala lahat ng pinakita mong pagpapahalaga
At tinanggap ko yun (tinanggap ko yun)
Kahit na hindi pala ako yung gustong mong makapareha (makapareha)
Sana nung una pa lang ay nalaman ko na para ‘di na umasang
Ikaw ay merong para sa ‘kin (para sa ‘kin)
Ang sakit lang na nagagawa mo pa ‘kong kausapin
Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa ‘kin
Pwede ba na lumayo ka nang matigil na kitang ibigin

‘Wag mo na ‘kong tawagan
(May mahal ka nang iba)
‘Di ba ‘di mo na ‘ko kailangan
(Kaya sa iba ka napunta)
Ano ba ang kasalanan
Hindi ko nalaman
Kung bakit bigla kang nawala
‘Di ka man lang nagpaalam

Kaya pala hindi ka na lang nagparamdam
Kasi nasa kanyang tabi
Kaya pala kapag tumatawag ka sa akin
Ay hatinggabi
‘Di mo man lang ba inisip
Kung kakayanin ko sabagay
Simula noon sarili mo lang ang iniisip mo
Pero hindi ko nagawang iwanan ka
Ngayon ay kayang-kaya ko na kaya

‘Wag mo na ‘kong tawagan
(May mahal ka nang iba)
‘Di ba ‘di mo na ‘ko kailangan
(Kaya sa iba ka napunta)
Ano ba ang kasalanan
Hindi ko nalaman
Kung bakit bigla kang nawala
‘Di ka man lang nagpaalam

Yeah
Masaya naman nung una, ‘di ganito
‘Di nagsasawang mag-usap, wala nang paki
Kung anong oras pa huminto
Ikaw palagi kong hanap, wala nang iba
Sa tuwing gumigising ako
Kaso ngayon parang ayaw gumising
Kasi iba na ngayon katabi mo
Bakit gano’n hindi mo man naisip
Kung ano talaga ang halaga ko
Tanging sarili mo lamang ligaya
Palagi ang mas mahalaga sa ‘yo
Ginawa ko lahat ng hiniling mo
Kasi ayoko na ika’y masaktan
Para hindi ka na maghanap pa sa iba
Ng wala sa iyong harapan

‘Wag mo na ‘kong tawagan
(May mahal ka nang iba)
‘Di ba ‘di mo na ‘ko kailangan
(Kaya sa iba ka napunta)
Ano ba ang kasalanan
Hindi ko nalaman
Kung bakit bigla kang nawala
‘Di ka man lang nagpaalam

Bigla kang umalis
Ikaw na sana wala nang kapalit
Panahong matamis ba’t pumait
Alam kong masaya pero masakit, yeah
Ba’t ‘di mo ba
Naisip kung tama ba
Ang iyong ginagawa
Palaging lumalala, yeah
‘Wag mo ‘kong tawagan
Hindi na kailangan
Hindi ko na kaya
Masyadong nahirapan
Lumayo ka na
Alam kong nawala ka na
Naubusan ng pag-asa
Mas okay lang na tapusin na
Bakit hindi mo sinabi
Ng mas maaga
Ng mas maaga


More on ALLMO$T