ALLMO$T – Ikaw

Yeah!
Parang kailan lang, ‘di pa tayo magkakilala
Panay sulyap sa wall mo lang ang aking kaya
‘Di ka machat ‘pagkat ako’y nahihiya pa
Oh, ngayon tignan mo lagi na tayong inuumaga magkasama, yeah
Tinetext, kino-call, laging may ring sa ‘yong phone
‘Cause you know that I’m on, baby ‘wag ka lang maging alone
Dahil kakaibang saya aking nadarama
Kapag kasama ka ngiti ko’y abot-langit talaga
Tulad mo’y hindi ko ipagpapalit
Ang oras ay hindi ko papalampasin
Sa ‘yong pag-ibig ay wala nang hahambing
At hihigit, ikaw ang gustong makasama sa tuwing ako ay mag-isa

Baby ‘wag ka nang mag-alinlangan pa
Alam mo naman talaga na kailangan ka
Ang katulad mo ay matagal kong hinahanap at
Ngayong nakita ka na, pangako ko na iingatan ka
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw
Ang gustong makasama hanggang pagtanda
Isang dalagang Pilipina, yeah

Isang dalagang Pilipina
Ngayon nakita ko na
Sobrang saya ng puso ko
Kasi katabi ko na siya
‘Di na ‘to tulad ng dati
Dami-daming sinasabi
Balewalaan mo sila at dito ka na sa akin (dito ka na)
Parang kahapon lang nung tayo’y nagkakilala
Kachat pa noon sa FB, ngayon ay pagala-gala
‘Di ‘ko inakala (‘di ‘ko inakala)
Na tayo’y magsasama (tayo’y magsasama)
Dati panaginip lang kaya ngayon hindi makapaniwala
Na tayo’y nagmamahalan
Mga hawak-kamay habang lumalakad sa may kalsada, yeah yeah
Sana ang relasyon na ‘to ay umabante
Takot na kasi masaktan muli tulad ng dati

Baby ‘wag ka nang mag-alinlangan pa
Alam mo naman talaga na kailangan ka
Ang katulad mo ay matagal kong hinahanap at
Ngayong nakita ka na, pangako ko na iingatan ka
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw
Ang gustong makasama hanggang pagtanda
Isang dalagang Pilipina, yeah

Ngayong natagpuan ko na ang isang natatangi
Na dalagang kay tagal ko nang hiling na mapasakin
Oras ay ‘di ko na papalampasin para lang sayangin
Ang makasama ka’y handa ko na gawin ano man ang tahakin, oh
Sa ‘yong kagandahan, yuh
Ako ay tinamaan, yuh
Saan ko man tignang anggulo ay ikaw gustong masilayan, yuh
Wala nang ibang papalit pa sa puso ko asahan
Tanging walang iba ikaw lamang ang nais ko na samahan
Alam mo namang sa ‘yo lang
Hindi mo na kailangan pang
Tanungin kung bakit ikaw ang napili kong paglaanan ko ng
Panahon, ‘wag ka nang mangamba dahil sa ‘yo ako na ang bahala
Pinagkaloob ka talaga sa akin para tayo ay itadhana, yuh

Baby ‘wag ka nang mag-alinlangan pa
Alam mo naman talaga na kailangan ka
Ang katulad mo ay matagal kong hinahanap at
Ngayong nakita ka na, pangako ko na iingatan ka
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw
Ang gustong makasama hanggang pagtanda
Isang dalagang Pilipina, yeah

Unang tingin pa lang ako’y nabihag na sa ‘yo
Nahulog ako buti na lang ay iyong sinalo
Hirap maging bida, buti na lang nakita
Ang isang katulad mo na nagpalinaw sa ‘king mga mata
Ngayong akin ka na, pangakong hindi kita
Sasayangin dahil ang babaeng minimithi ko
Ay nasa akin na
Ikaw, ikaw ay sa ‘kin na
Ikaw, ikaw
Mangako ka na dito ka lang
Hindi ko naman kasi sinasadya
Mapaibig sa isang katulad mong
Isang dalagang Pilipina

Baby ‘wag ka nang mag-alinlangan pa
Alam mo naman talaga na kailangan ka
Ang katulad mo ay matagal kong hinahanap at
Ngayong nakita ka na, pangako ko na iingatan ka
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw, yeah
Ikaw, ikaw
Ang gustong makasama hanggang pagtanda
Isang dalagang Pilipina, yeah


More on ALLMO$T