ALLMO$T – Heart React

Pa’no kung ikaw at ako na lang
Pa’no kung walang mangingialam
Ako ba’y hanggang tingin na lang
Sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa ‘kin kung ika’y may aaminin para ‘di tayo mabitin
Ayoko na kasing patagalin pa
‘Wag na natin patagalin
Nanghihinayang lang kasi sa yakap at halik
Noon pa lang kita nakita
Biglang umapaw ang saya pero nakakabitin
Hindi ko na kasi alam
Ang tanging paraan
Basta mahal kita
Pangakong ‘di kita iiwanan
Sana baby
‘Wag ka nang matakot at umamin ka na
Kaya baby
Lumapit ka na sa ‘kin at sabihin mo na

Sabihin mo na

Na ako ang gusto mo
Kasi alam ko naman

Pa’no kung ikaw at ako na lang
Pa’no kung walang mangingialam
Ako ba’y hanggang tingin na lang
Sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa ‘kin kung ika’y may aaminin para ‘di tayo mabitin
Ayoko na kasing patagalin pa

Hindi ko na pahahabain gusto kong dumiretso
Hindi na kita dadaanin sa mga imbento
Wala na ‘kong mahabang paliwanag o komento
Mahalaga alam mo na ikaw lang ang kukumpleto
Madaming iba dyan kayang ibigay lahat
Ang kaso lang hindi na magawang maging tapat
Masyadong nalibang na magmahal ‘di iningatan
Kung ano ang kapalit ng panahon na nasasayang
Bagamat sa panahon ngayon mahirap talagang makuha
At mahagilap kung sino ang ‘di ka mapapaluha
Hayaan mo nandito lang ako handa ‘kong magkusa
Iparamdam sa iyo pangakong ‘di ‘to huhupa

Ayoko ko din namang masayang
Ang pagkakataon at sa huli ay manghinayang
Tapatin mo din ako nang ‘di tayo naghihintayan
Sabay nating tuparin, at gawin din ang wala nang hiwalayan

Pa’no kung ikaw at ako na lang
Pa’no kung walang mangingialam
Ako ba’y hanggang tingin na lang
Sana ay hindi, hindi naman

Sabihin mo na sa ‘kin kung ika’y may aaminin para ‘di tayo mabitin
Ayoko na kasing patagalin pa
Kanina ko pa nakikita ang ‘yong mga mata
Ikaw ay patingin-tingin na para bang ikaw ay nahihiya
‘Wag ka nang matakot na sabihin kung ano man ang iyong nararamdaman
Hindi ka pababayaan
Kaya ‘wag ka nang mag-alinlangan
Na sumama, ako ang bahala
‘Di kita ipapahamak
Aalalayan kita sa bawat pag-apak
Kaya ‘lika na sa akin humawak
Sa bawat sandali na nakikita ka
Ay nahihiya din ako pero gusto ko nang sabihin na

Pa’no kung ikaw at ako na lang
Pa’no kung walang mangingialam
Ako ba’y hanggang tingin na lang
Sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa ‘kin kung ika’y may aaminin para ‘di tayo mabitin
Ayoko na kasing patagalin pa

Sabihin mo na sa ‘kin kung anong gusto mo
Handa naman ang puso ko na makinig sa ‘yo
Wala namang problema kung nais mapalapit
Dahil sa isang katulad mo’y wala nang hihigit
Ang nararamdaman ko ay hindi mapaliwanag
Sa tuwing katabi ka ang puso ko’y napapanatag
‘Di ko hahayaan na ikaw ay mawala pa
Sa piling ko, dahil ikaw ang nagbigay-liwanag

Patuloy na nahuhumaling
Kahit anong gawin ko ay hindi ko maibaling
Tingin ko sa iba dahil ikaw ang natatanging
Babaeng tumupad sa aking mga panalangin
‘Wag sana natin ‘to patagalin
Palaging nahuhulog sa ‘yo kahit na anong gawin
Siguro kung sa akin ka ay parang langit na rin
Sana nga balang-araw ay mapamahal ka na rin

Pa’no kung ikaw at ako na lang
Pa’no kung walang mangingialam
Ako ba’y hanggang tingin na lang
Sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa ‘kin kung ika’y may aaminin para ‘di tayo mabitin
Ayoko na kasing patagalin pa
Pa’no kung ikaw at ako na lang
Pa’no kung walang mangingialam
Ako ba’y hanggang tingin na lang
Sana ay hindi, hindi naman
Sabihin mo na sa ‘kin kung ika’y may aaminin para ‘di tayo mabitin
Ayoko na kasing patagalin pa


More on ALLMO$T