ALLMO$T – Gap


Sana ako’y palagi na lang malapit sa ‘yo
Nang ‘di na tayo nagkakalayo
Wala man lagi dyan sa piling mo
Asahan mong magbabalik ako
Dahil ‘di man sigurado
Kung kailan muling magkikita, baby
Alam mo bang sabik
Pa rin ako sa yakap at halik mo, baby

Hindi ka man na madalas matawagan
Alam mo na ‘di ko magagawang limutin ang binitawan
Ko na mga salita para sa ‘yo lumayo man ako
Ikaw at ikaw pa rin ang laman nitong damdamin
Ilang kilometro man para mapunta sa ‘yo
Ay ‘di ako mapapagod tiisin, tiyagain
Kung ‘di ko rin naman na kayang hintayin
‘Yung makayakap ka tuwing
Ako na ‘yung naglalambing
Swerte pa rin kasi ‘di mo ‘ko tinigilang mahalin
Ano ba ‘yung magandang nagawa ko
Para lang mabigyan ng isang katulad mong
Handang maintindihan ‘yung ganitong sitwasyon
Natin ngayon na limitado lang
Na magkita at magsama pero ‘di ‘yun naging hadlang
Para sa atin, malaking bagay na ‘yung tiwala mo sa ‘kin
Kaya kahit anong pilit mang sirain
Nila ay ‘di tatalab sa kahit na sino man
Mawala man ang lahat
‘Wag lang ikaw na naniwala nung una palang, hey

Sana ako’y palagi na lang malapit sa ‘yo
Nang ‘di na tayo nagkakalayo
Wala man lagi dyan sa piling mo
Asahan mong magbabalik ako
Dahil ‘di man sigurado
Kung kailan muling magkikita, baby
Alam mo bang sabik
Pa rin ako sa yakap at halik mo, baby

Sabik palagi na makita ka
‘Wag ka nang magtaka kung bakit, baby
Sapat na sa ‘kin na alam ko na
‘Di ka mawawala, nagtitiwala ka ba
Sa ‘kin kasi alam kong mahirap ang magkalayo
Mahirap din para sa ‘kin, minsan nga ‘di na ako makatayo
Sa kakaisip kung pa’no kita makikita
‘Di ko rin masilip kung ano na kayang balita
Hindii ko maiwasang ikaw ay isipin
Ano kaya ang ‘yong ginagawa
Hindi rin matawagan
Kasi ayokong ikaw ay maabala
Ako rin ba ang tumatakbo sa isip mo
Kung gano’n ‘di na hihinto
‘Di mapapagod para sa ‘yo

Sana ako’y palagi na lang malapit sa ‘yo
Nang ‘di na tayo nagkakalayo
Wala man lagi dyan sa piling mo
Asahan mong magbabalik ako
Dahil ‘di man sigurado
Kung kailan muling magkikita, baby
Alam mo bang sabik
Pa rin ako sa yakap at halik mo, baby

Sa tagal ko nang hinihintay
Nakaka-miss ang mga yakap na binibigay
Inaamin ko na ‘di na ‘ko sanay
Gumagala mag-isa walang kahawak na kamay
Kapag ako’y kumain sa labas
Nami-miss ko ‘yung kinakainan natin madalas
Manunuod ng paboritong palabas
Naaalala ko tuloy ‘yung mga tawa mo’y wagas
Oh oh oh
Ako ba’y nami-miss mo
Yeah yeah yeah
Halika na sa tabi ko
Kasi hindi ko na kaya
Kapag nakalaya ka
Pwede ba sa ‘kin ka na umuwi
Ayokong manghinayang
Tapos mapabayaan ka
Dahil ikaw ang nagpapangiti

Sana ako’y palagi na lang malapit sa ‘yo
Nang ‘di na tayo nagkakalayo
Wala man lagi dyan sa piling mo
Asahan mong magbabalik ako
Dahil ‘di man sigurado
Kung kailan muling magkikita, baby
Alam mo bang sabik
Pa rin ako sa yakap at halik mo, baby

Yeah
Minsan hindi ko na alam kung pa’no titignan
Ang sitwasyon natin na para tayong napagti-trip-an
Kahit na palagi tayong malayo, walang magbabago
Gano’n pa rin ako’y aminado, pagmamahal ko ay ‘di maglalaho
‘Yan ang pangako natin para sa isa’t isa
Hirap itago ng pagkasabik sa salitang nami-miss kita
Sana matiis hanggang sa pagbalik, yeah
‘Wag ka na galit, yeah
Alam mo namang kahit anong mangyari, ‘di pagpapalit, yeah
Laging naiinis kapag ang tawag hindi masagot, ooh
Agad bumabawi, ayokong magalit alam mong takot, ooh
Wala ‘yan sa layo nating dalawa basta para sa ‘yo
Pipilitin pa rin na maabot maalala mo lang anong halaga mo, ooh
Ikaw ang laging inuuna
Hindi ka pwedeng kalimutan
Malapit naman na ‘kong umuwi
Pasensya hindi maubusan
Sana mayakap kita at makatabi
Walang masasayang na oras
Masulit lang natin lahat ng bawat sandali, yeah

Sana ako’y palagi na lang malapit sa ‘yo
Nang ‘di na tayo nagkakalayo
Wala man lagi dyan sa piling mo
Asahan mong magbabalik ako
Dahil ‘di man sigurado
Kung kailan muling magkikita, baby
Alam mo bang sabik
Pa rin ako sa yakap at halik mo, baby


More on ALLMO$T