ALLMO$T – Galaw


Kanina ka pa sa gilid ba’t parang ang tahimik mo
Wala ka bang kasama
Kung aayain kita ay papalag ka ba
Oh ayan, sige ‘yan
Maglakad papunta dito
Magsayaw
Magsasayaw hanggang sa mapagod tayo
Ikot-ikot, dahan-dahan lang baka ikaw ay mahilo
Tayo ay lilibot sa mundo ng saya
‘Wag ka nang maging kabado dahil
Sasaluhin kita ‘di ka mag-iisa
Hindi mo na kailangan na mag-alala

Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sumayaw ka lang nang parang walang mga tao sa paligid

Sumunod ka sa ‘kin kaliwa tapos sa kanan
Pagkatapos ay maglakad paharap ng dahan-dahan
Subukan mong sa akin magtiwala
‘Wag isipin ang mga umaabala
Sa atin ‘wag nang pilitin kaya
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige sige pa (sumayaw ka lang)

Pagkapasok ko pa lang
Ikaw agad bumungad
Parang nahihiya ka pa kaya ako lumakad
Sa iyo ng palapit dumikit sabay tapik
Parehas nga kaya kita na makulit
Kaya hindi na nagdalawang-isip na pilitin ka
Sayang naman kasi kung papapigil ka
Alam mo ba ikaw ang pinakamaganda
Oh, ngumiti ka na
Pwede ba na sabay tayong gumalaw
Habang ang sayaw lang natin ang nangingibabaw
Kutis mo na parang ‘di na sikatan ng araw
Pa’no aayaw kung ikaw kaagad ang pumukaw sa ‘kin
Buti na lang nandyan ka’t ‘di ako naloko
At natuliro palabiro lang talaga nga ‘ko
Pero kung usapan ay pag-ibig ay dyan na ako seryoso
At kung susubukan mo ‘ko ay ‘di ako papatalo, sige

Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sumayaw ka lang nang parang walang mga tao sa paligid

Sumunod ka sa ‘kin kaliwa tapos sa kanan
Pagkatapos ay maglakad paharap ng dahan-dahan
Subukan mong sa akin magtiwala
‘Wag isipin ang mga umaabala
Sa atin ‘wag nang pilitin kaya
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige sige pa (sumayaw ka lang)

Sige ipakita mo sa akin
Kung pa’no ka ba sumasayaw (oh, sumasayaw)
‘Wag mong isipin kung marunong ka
Kasi madadala mo lang sa ‘yong galaw (oh, sa ‘yong galaw)
Hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin
Lumalapit ka kasi gusto mo nang gumiling
Kung alam mo lang baby, ako ay nanggigigil
Gustong-gusto na kitang makasama at makapiling

Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sumayaw ka lang nang parang walang mga tao sa paligid

Sumunod ka sa ‘kin kaliwa tapos sa kanan
Pagkatapos ay maglakad paharap ng dahan-dahan
Subukan mong sa akin magtiwala
‘Wag isipin ang mga umaabala
Sa atin ‘wag nang pilitin kaya
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige sige pa (sumayaw ka lang)

‘Wag hayaang mahiya ang sarili, ngumiti
Dahil kailangan natin sumaya ngayong gabi
‘Di na bale kung ano man ang mga plano mo
Susulitin natin mga bawat sandali
‘Pag ikaw na gumalaw, talagang bigay-todo
Lahat ng kilos ay sabay sa tono
‘Gang ang mga tao ay nakatingin na
Hindi kasi nila kaya pa na daigin ka
Kanina ko pa halata na ang galing
‘Yung tipong ‘di na maalis sa ‘yo ang mga tingin ko
Ako’y mangha sa ‘yong mga pagngiti
Na parang ‘di dama ang pagod kahit na anong gawin mo
Akala ko ako ay nasa alapaap
Nasa harap ko na ang matagal nang hanap-hanap
Hindi na hahayaan pang masayang oras nating dalawa
Dahil minsan lang matupad mga pangarap, sige igalaw

Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sige igalaw mo, galaw mo ohh
Sumayaw ka lang nang parang walang mga tao sa paligid

Sumunod ka sa ‘kin kaliwa tapos sa kanan
Pagkatapos ay maglakad paharap ng dahan-dahan
Subukan mong sa akin magtiwala
‘Wag isipin ang mga umaabala
Sa atin ‘wag nang pilitin kaya
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige pa (sumayaw ka lang)
Sige pa, sige sige sige pa (sumayaw ka lang)


More on ALLMO$T