ALLMO$T – Exchange Gift


Naaalala mo pa ba ko
Oh, pwede bang bati na tayo oh
Kalimutan mo na yung mga nakaraan
May pagkakataon pa para merong masimulan

Naaalala mo pa ba ko
Oh, pwede bang bati na tayo oh
Kalimutan mo na yung mga nakaraan
May pagkakataon pa para merong masimulan

Ngayong pasko ay magbigayan
Kung may galit magpatawad
‘Yan lang ang mahalaga
‘Yan lang ang mahalaga

Dahil ‘di naman kasi sa galit nakukuha
Pagiging masaya mo ang pinakauna
Ang dapat na gawin ay magpatawad ka na
‘Pagkat hindi rin masama na magbigay sa iba

Kahit ‘di pa nakaplano sa iyo
Wala ng dapat ikatakot sa kung ano
Man ang kalalabasan, isipin mo lang
Na mas mahirap din kapag wala kang pagmamahal

Sa mundong ‘to ay ‘di naman tayo payabangan
May rason kung bakit tayo nagkakaganyan
Wag mo lang kalilimutan ang paghuhugutan
Mo ng lakas ay ang nasa taas siya lang ang ‘yong paniwalaan

Ialay mo lang lahat nang gumaan
Ang loob mo kung ano man ang ‘yong dahilan
Ang nangyari ay lumipas na at dumaan
Ayusin nalang natin ng wala ng pagsisihan

Naaalala mo pa ba ko
Oh, pwede bang bati na tayo oh
Kalimutan mo na yung mga nakaraan
May pagkakataon pa para merong masimulan

Ngayong pasko ay magbigayan
Kung may galit magpatawad
‘Yan lang ang mahalaga
‘Yan lang ang mahalaga

Isipin ko kaya ‘pag nawala ka na
Masyadong malala kapag nangyari talaga
Paano ba ‘ko
Kapag ika’y sumuko
Hindi na ‘to maibabalik sa simple kong regalo

Pagod na ‘ko na magpanggap na tayo’y masaya
Ayusin natin na agad kapag lumalala
Alam naman natin pareho sa isa’t isa
Palagi tayo nag-aaway
‘Pag nakakasama ka

Bakit hindi mo pa sabihin
Ayokong uulit-ulitin
Masyado ka nang matampuhin
Seryoso ako sa’ting pag-ibig

Ayoko na kasi mawala ka
Puro away at bati nakakasawa
Minsan lang naman tayo magkakasama
Ano man ang mangyari, mahal kita

Naaalala mo pa ba ko
Oh, pwede bang bati na tayo oh
Kalimutan mo na yung mga nakaraan
May pagkakataon pa para merong masimulan

Ngayong pasko ay magbigayan
Kung may galit magpatawad
‘Yan lang ang mahalaga
‘Yan lang ang mahalaga

Yuh!
Minsan ‘di ko na masagot
Ang mga text at tawag niyo
Dahil palaging pagod

Pasensya na kung mas napili ko na magkalayo
Pero asahan pag-uwi ko ay babawi ako

Nakakamiss kayo na laging kasama
Madalas na hinahanap-hanap luto ni mama
Hindi na ko makahintay na makabalik
Para makakwentuhan at makainuman si papa

Ang bawat paguwi, gusto laging surpresa
Pagdating ng hapunan ay kumpleto sa mesa
Pagkatapos pupunasan ko mga luha sa mata
Ni mama ng dahil sa telenovela

Laking salamat ko sa Diyos kayo’y binigay
Hindi malilimutan ang pangaral niyo at gabay
Basta alam ko na andyan kayo at sumusuporta
At ramdam ko ang pagmamahal niyo sa’kin na sobra

Naaalala mo pa ba ko
Oh, pwede bang bati na tayo oh
Kalimutan mo na yung mga nakaraan
May pagkakataon pa para merong masimulan

Ngayong pasko ay magbigayan
Kung may galit magpatawad
‘Yan lang ang mahalaga
‘Yan lang ang mahalaga
‘Yan lang ang mahalaga

Mga magandang ala-ala nating
Ngayon sa’kin nagpapangiti
‘Di ko naman akalain
Na sa away rin pala mauuwi

Ang hindi na magbati ay ‘di na bago
Kaya ako ay humihingi ng kapatawaran sa ‘yo

Ahhhh
Hindi ko na matiis
Ahhh
Parang ika’y namimiss
Ko oho oho
Patawarin mo na ako oho oho
‘Wag na sanang
Pahabain pa
Ang galit sa
Isa’t isa

Ngayong pasko ay magbigayan
Kung may galit magpatawad
‘Yan lang ang mahalaga
‘Yan lang ang mahalaga


More on ALLMO$T