ALLMO$T – Dressing Room (Crakky & Jom)


Oh bakit, bakit, bakit
Ang bilis mo na maakit
Ang bilis mong magpakapit
Ilang oras palang kitang kasama
May lakad na namang iba
‘Di ka ba marunong makuntento sa isa

Siya na ba ang bago mo na iniirog?
Akala ko sanay na ‘ko na binibiro
‘Di mo man lang nagawang
Magpahinga matapos ang lahat
Ay tumawid agad sa kabilang ilog
Habang ako’y hindi mapakali sa’king pagkasawi
Ay naghanap ka kaagad ng mapapapangiti
O ‘di kaya’y tatapal dyan sa’yong pangangati
Dahil alam ko na gano’n lang kadali
Sa, yo na kalimutan ang lahat
Tangina, kilala na kita
Kung magpalit ka ng damit ay paiba-iba
Dahil umpisa pa lang na maging tayong dalawa’y
Nakita ko na madali ka ngang maakit sa iba
Pero pilit pa kita na binabago
Habang ako’y paulit-ulit ginagago

Ano pa bang magagawa kung napamahal na ko sa iyo

Gulong gulo na ang mundo na umiikot lang sa’yo oh

Oh bakit, bakit, bakit
Ang bilis mo na maakit

Ang bilis mong magpakapit
Ilang oras palang kitang kasama

May lakad na namang iba
‘Di ka ba marunong makuntento sa isa

Oh bakit, bakit, bakit
Ang bilis mo na maakit
Ang bilis mong magpakapit

Ilang oras palang kitang kasama
May lakad na namang iba
‘Di ka ba marunong makuntento sa isa

Sa’yo ay parang walang nangyare
Di ka man lang nakitaan ng kaba
Ngayon ikaw ay masaya sa piling ng iba mong iniibig
O sadya mo na kinakalantare
Ano ba talagang pumasok dyan sa isip mo
Kung bakit ba nagagawa mo ‘to na maatim
Hindi ka ba tinatablan na kilabutan
Sa ginagawa at binabalak mo parin na maitim
Kahit na gano’n ay minahal naman kita
Binuhos ang lahat kahit wala nang matira
Hinayaan kong madurog at maging abo nalang siguro
Ang damdamin ko sa’yo nang ‘di ko madama
Kung papano ang sakit na lagi mong hinahangad
Makuha sa iba’t ginagawa mong laruan
Lahat ng nahuhulog sa iyo’y hinahayaan mo nalang
Nang sa ganon ay maiwanang talunan

Gusto kitang tulungan ayokong mangulungan
Ka nalang at mahumaling nang lubusan
Tandaan mo na hindi ka din mauubusan
Kung sakaling gusto mo na mabakuran

Kaso lang ay kung ayaw mong padaig

Di na kita pipilitin pa na makinig
Ayoko na sukuan pa kita kaso kung gano, n ay
Di malabo na makita nalang kita sa sahig

Oh bakit, bakit, bakit

Ang bilis mo na maakit
Ang bilis mong magpakapit
Ilang oras palang kitang kasama
May lakad na namang iba
‘Di ka ba marunong makuntento sa isa

Oh bakit, bakit, bakit
Ang bilis mo na maakit
Ang bilis mong magpakapit
Ilang oras palang kitang kasama
May lakad na namang iba
‘Di ka ba marunong makuntento sa isa


More on ALLMO$T