ALLMO$T – Dito Ka Nalang

Uy sigurado ka ito ‘yon
Ito yung text niya sa ‘kin eh
Sabi niya, “Tabi ng blue na gate, lagpas ng tindahan tapos kulay brown yung pinto”
Ay, ito na kakatukin ko na ah?
Ay…

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

‘Di man na usong mangharana pang muli (mangharana pang muli)
At yung ligaw naman daw ay kayang magawa na sa net mauwi
Pangit din ‘di ba yung madali
Mo na lang ding matingi
Yung oo ng hindi man lang nagagawang
Manghingi ng basbas
Nandito na ‘ko sa labas ng bahay n’yo
Ilang kanto na nga din yung dinaan kong nakaaway ko, okay lang basta pakay ko
Magmano sa tatay mo makapagbigay ng magandang bati din sa nanay mo
Oh ‘di ba papano
Eh ‘di kapalan muka ko na lang
Basta yung ginawa ko ay wala nang halong
Anghang kaya magbago man ang
Panahon ‘di papalitan
Kung pa’no kita minahal nung una pa lang
Patuloy hihigitan
Dito ka na lang
Sa puso ko na wala nang gustong mailaman
Kundi ikaw dahil ikaw yung tipo ng babaeng ‘di na dapat mapalitan
Sa’n mang anggulo mo tignan
Ang sarap talagang masdan
Masaya ka sa piling ko at
‘Di ko rin makitaan ng kapaguran
Oh ‘di ba kung kaya

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Lagi na lang akong napapangiti
Buti na lang sa ‘kin, ‘di ka humindi
Mula nung sa ‘yo na nga ako mapunta
Kakaiba agad ang nadarama
Please, ‘wag kang umalis
Dito ka na lang
Para ‘di na kita ma-miss
‘Wag ka nang mawawala
Alam mo namang sa akin ka
Walang magpapangiti
Hindi pa madali
Naranasan ko ‘yan nung nakaraan
Kaya sa bawat sandali
Na ikaw ay katabi
‘Di mag-iisip ng kung ano mang dahilan
Upang maaway ka
Papakita ang ‘yong halaga
Kahit na minsan ay masungit ka
Gusto ko pa rin na sa akin ka

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Sana dito ka na lang
Hanggang kailan kaya ako mag-iisa
Ang hirap ng masanay nang wala ka pa
Dito sa ‘king tabi
Dapat nandito ka
Kapag kasama na kita
Ako’y sumasaya
At kung pwede nga lang sana
Gusto na kitang yakapin at makasama
Hanggang sa panaginip na lang, nakakasawa
Nami-miss ko ding makita ka na tumatawa
Kasi ‘di ko mapigilang
Isipin ka, wala na ring hangganan
Ikaw lang din kasi aking kailangan
Pangakong ‘di kita papabayaan
Gusto ko dito ka na lang
Sana’y walang mangialam
Ayoko sanang mangyari na puro lamang salita
Dito ka lang sa akin kasi mahal kita

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Hindi ko magawang basta na talikuran ka
Kasi gustong malaman mong kaluguran da ka
Sana mas mapalapit pa lalo at mahatid kita
Hanggang sa susunod na magkalakad ka
Yun lang aking hiling, gusto kong mapasakin ka
Napagtantong walang iba na hahanapin pa
Kasi ikaw lang ang nag-iisang kailangan ko
Para mapawi lahat ng pinaghirapan ko
Pwede mo naman sabihin sa ‘kin anong dapat kong gawin
Naghihintay pa rin kung kailan mo sasagutin
Wala naman kasing nililigawang iba
Bakit kailangan makinig sa sinasabi nila
Mga wala ‘yan katibayan, ‘wag ka muna manghinayang
Kasi wala naman akong dapat pang patunayan
Ang alam ko lang ay kung ga’no kita kamahal
Sana nga masagot ni God ang matagal ng dasal

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka’y ‘di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang
Ikaw lang naman ang kailangan
Wala nang balak magpalit


More on ALLMO$T