ALLMO$T – Carousel (Yuri)

Noon ay palaging nag-aalala
Kung nasa’n ka
‘Di mapakali kung may kasama kang iba
Napakalamig mo
Napakamanhid mo
Ngayon lilisan na sa ‘yo
‘Di ko kailangan ang katulad mo

Makinig ka sa ‘kin kahit ngayon lang
‘Di ako magsisisi na iwan ka
Kasi ilang beses na akong nagmukhang-tanga
Sa kakasuyo sa iyo nawawalan na ako ng gana

At sa aking pag-alis
Sana iyong matiis
Ang kalungkutan na aking ibabalik sa ‘yo
‘Wag kang mag-alala ito’y mabilis at lilipas din
Pero ‘di ka na makakahanap ng katulad ko

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
‘Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sa ‘kin
‘Di na, ‘di na, hindi na…
Hindi na ako babalik

Dati ay napakatahimik at napakapayapa
Ng utak ko wala pang iniisip
Pero mula nung mga paa ko ay nilapit sa ‘yo
Tila ang puso’t leeg ko’y pinipilipit
Nung hinawakan ko mga kamay mo ay naglaho
Ang lumbay, napakasaya mas nagkaro’n pa ng
Pag-asa na mabuhay, kaso lang nung nawala ka ay
Parang panahon ko ay naaksaya
Naalala ko pa no’n ayaw kitang pakawalan (naaalala)
Ngunit ngayon ay ‘di ka na rin kawalan (‘di na)
Lahat ay ginawa ko na para sa ‘yo
Ngunit kung bakit ganito ikaw ang may kagagawan
‘Wag na ‘wag (‘wag) mo ‘ko sisisihin
‘Yung kababawan mo ay nagawa ko nang sisirin
Nalunod, halos ‘di na ako makahinga
Kaya sumuko, nung araw na ako’y iyong pilitin
Makipaghiwalay, ‘di ka natakot na mawalan
Habang ako ay halos mabaliw na
Alam mo (ano) masyado na sakim ka
Gusto mo kasi ikaw lang ang mahalaga
‘Di mo ko sinusuyo kahit na galit na ‘ko
Kahit na kasalanan mo, ako yung argabyado
Masyado ka nang gago, maghanap ka na ng bago
Kasi wala nang babalik sa ‘yo tapos na ‘ko

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
‘Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sa ‘kin
‘Di na, ‘di na, hindi na…
Hindi na ako babalik

Alam mo na hindi ‘to madali
Bakit kailangan pang ipilit ang mali
Alam ko na hindi ito ang gusto mong mangyari
Pero bakit ba kailangan mo pa na magkunwari
Pwede mo naman sabihin sa ‘kin nang harapan
Kung ano ang tinatago, please gusto kong malaman
Handa ako na tanggapin kahit ako’y nahihirapan
Kahit na anong ipilit, ‘di pa rin maiiwasan
Ipikit aking mata, alam kong masaya ka sa iba
Ramdam ko na sa ‘yo may iba nang mahalaga
Isang patunay lang ‘yan na
Kahit ano man ang mangyari ay hindi ka talaga makukuntento sa isa

Alam mo ba
Binitawan ko lahat ng mga meron ako no’n
Para lang maibigay ang pag-ibig na walang kapantay kaso wala ka na ngayon yah

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
‘Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sa ‘kin
‘Di na, ‘di na, hindi na…
Hindi na ako babalik

‘Di ko na matago ang bigat
Sa isang iglap, tila ay nagbago ang lahat
Unti-unting nawawala na parang ‘di mo na ‘ko maharap
Anong ginagawa mo magdamag
Nawalan ka na ng oras
Na dating labis mong nabibigay
Parang wala nang darating na bukas
Pa sa ‘ting dalawa nung ako ay mapalapit
Sa ‘yo patuloy mo na nga ‘kong tinangay
Hanggang sa dumating ‘di na ‘ko pinapatulog
Parehas na tayong nahihirapan na mahulog
Paulit-ulit kang tinatawagan
Naging busy ka masyado’t
‘Di mo na ko inantay para iyong makasalubong
Papa’no mo ‘ko papaliwanagan
Kung mga dahilan mo’y sa iba ko malalaman
Masyado mo na nga ‘kong pinaikot-ikot
Sa iyong kamay ngayon ay nagawa mo pa ‘kong maiputan
Wala ‘kong panahon
Sa tulad mong sarili mo lamang
Kaligayahan ang pinagtutuunan
Matapos mo ‘kong mapakinabangan
Iiwan nang biglaan
Ayos lang sa akin
‘Di ko naman na ‘yon kasalanan
Kaso lang
Hinayaan mo ang tao
Na handa kang mahalin
Pero ‘di ka kawalan
Dahil nakakawalang-gana ka na rin
Namang intindihin, sayang

Sa totoo lang ‘di ‘ko na talaga maintindihan
Sa ‘yong pagbabago
Ba’t daw nagkakaganyan
Sarili mong ‘di palaban
Bakit ba
Ginawa ko naman ang lahat
Pero tanging nagkalat
Relasyon nating ‘di tumagal
Ako’y nahihirapan
Ginawa kong isuko ko na lang

Ako’y sumuko kala mo’y magsisisi ako
‘Di ‘ko na kailangan pang magmahal
Pwes, lumayas ka sa tabi ko
Kaya…
‘Di ‘ko na kailangan pa ng isang katulad mo

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
‘Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sa ‘kin
‘Di na, ‘di na, hindi na…
Hindi na ako babalik


More on ALLMO$T