Alisson Shore – Lakan (feat. Shortone)


Kinikilig, habang nakatingin sila
Sa’tin kasi, magkadikit ating mukha, oh
Mga bibig, nati’y pareho ang buka
Ramdam ang init, ng hininga at iyong buga

Iyong amoy, binabalik-balikan
Kapag ikaw ay wala
Damit mo’y hinahalikan
Oh aking Lakambini
Ako ang iyong Lakan
Aking paglalambing
Talagang sayong-sayo lang

Ang ganda mo’y hindi ko na makukubli
Pag-ibig ko sayo’y hindi mabibili
Ito’y handog na ‘di kailangan ng sukli
Ako’y handang magpa-alipin at mas susulitin

Punta kahit saan man ang iyong ibig
Basta sa’kin ka lang papanhik
Ito’y bigay at ‘di kailangan ng balik
Ibig kong sabihin, sa’kin ka lang hahalik

Sa’yo lang, magpakailanpaman
Pangakong ‘di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?

Dinadaan-daanan ka nila
Kahit libre ang alok
Kasi ‘di nila makita
Kung ano ang iyong handog

Walang sinabi ‘yung mga teatro na
Nagkalat sa Escolta
Ikaw ang kapitolyo at
Ako ang sampagita

Ibuburda ang pangarap kahit
Malakas pa ang ulan
Dahil tanging nais lang
Pag-ibig mo’y maambunan

Kahit bagyo pa man yan
Salantahin at gibain
Hindi mapipigilan

Kaya pwede ba na malaman
Kung anong kinalaman
Ng aking pangalan
Sa nadidinig, baka ay bulaan

Lapit ka dito, ‘wag iiling
Lakad bagito, he’to piring
Hiling ng langit, ay tutuparin
Hiling ng langit, ay tutuparin

Sa’yo lang, magpakailanpaman
Pangakong ‘di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?

Sa’yo lang, magpakailanpaman
Pangakong ‘di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?

Sa’yo lang, magpakailanpaman
Pangakong ‘di ka na masasaktan
Kahit na, wala akong kalagyan
Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?


More on Alisson Shore