Agsunta & Moira Dela Torre – Kahit Kunwari Man Lang


‘Sang lihim ang pagtingin sa’yo
Sa tago lang ang pag-ibig ko
Dahil sa lihim hinding hinding hindi ka lalayo

Ngayon na may nagpapaligaya na
Sa lihim na lang binaon ang luha
Pinilit pilit pilit maging masaya

Chorus:
Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana’ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa ‘yong mga ngiti ako’ng dahilan

Kahit saglit man lang
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
Kahit kunwari man lang
Kahit kunwari man lang

Mga ngiti mo’y kaligayahan ko
Lahat ng narating, pinagdiriwang ko
Mga pangarap mo’y
Unti-unti unting nabubuo

Sa bawat pag-angat
Nasa likod lang ako
Ngunit ngayon sa tuktok nito
Hindi pala ako ang katabi mo

Chorus:
Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana’ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa’yong mga ngiti ako’ng dahilan

Kahit saglit man lang
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
Kahit kunwari man lang
Kahit kunwari man lang

Bridge:
Nais ko sanang sabihin
Mahal kita ‘yan ang pagturing
Ngunit ‘di higit pa sa kaibigan

‘Di naman kita sinasadyang masaktan
Tadhana’y ‘di naman kayang pigilan
Paalam kaibigan, hanggang dito na lang

Chorus:
Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana’ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa ‘yong mga ngiti ako’ng dahilan

Kahit kunwari man lang
Inamin lang sana’ng nararamdaman
Kahit sandali man lang
Sa ‘yong mga ngiti ako’ng dahilan

Kahit saglit man lang
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
(Kailangan sabihin ika’y kaibigan lang)

Kahit kunwari man lang
(‘Di maaari)

Kahit kunwari man lang


More on Agsunta