Aegis – Ang Sa Iyo Ay Akin


Wasak akong iniwan mo

Walang makapitan

Sinong lalapitan

Matapos kong bigay lahat sa’yo

Ba’t pati ang sa akin

Ay inaangkin mo rin

Habang dito ako nagdurusa

Ikaw nama’y nagpapakasaya

Sa mga bagay na dapat sa akin

Hindi na maibabalik muli

Ngunit paano itatama ang mali

Lintik lang ang walang ganti

Sige agawin mo sa‘kin

Kunin mong lahat sa’kin

Ngunit ako’y magbabalik

Saksi ang buwan at ang bituin

Sige lang gawin mong gusto mo

‘Di yan magtatagal sa’yo

Ang kinuha mo sa aki’y babalik

At sa’yo ko iiwanan ang sakit

Matikman mo lang ang aking sinapit

Dahil ang sa iyo ay akin

Buong tiwala ko sa’yo

Bakit mo sinira

‘Di ko ‘yun inakala

Matapos kong bigay lahat sa’yo

Ba’t pati ang sa akin

Ay inaangkin mo rin

Habang dito ako nagdurusa

Ikaw nama’y nagpapakasaya

Sa mga bagay na dapat sa akin

Hindi na maibabalik muli

Ngunit paano itatama ang mali

Lintik lang ang walang ganti

Sige agawin mo sa‘kin

Kunin mong lahat sa’kin

Ngunit ako’y magbabalik

Saksi ang buwan at ang bituin

Sige lang gawin mong gusto mo

‘Di yan magtatagal sa’yo

Ang kinuha mo sa aki’y babalik

At sa’yo ko iiwanan ang sakit

Matikman mo lang ang aking sinapit

Dahil ang sa iyo ay akin

Oh agawin mo

Kunin mo ang ‘di naman sa’yo

Sige tuloy mo lang may paglalagyan

Ang tulad mo

Bakit nagkagan’to

Humantong tayo sa ganitong dulo

Bakit ‘di magkasundo

Kalian tayo susuko

Sige agawin mo sa‘kin

Kunin mong lahat sa’kin

Ngunit ako’y magbabalik

Saksi ang buwan at ang bituin

Sige lang gawin mong gusto mo

‘Di yan magtatagal sa’yo

Ang kinuha mo sa aki’y babalik

At sa’yo ko iiwanan ang sakit

Matikman mo lang ang aking sinapit

Dahil ang sa iyo ay akin


More on Aegis