Ace Banzuelo – Muli


Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

 

Tinatanggi ko ang tadhana

Na kailangang mawala ka

Handa ako na ulitin

Sayo ay aaminin

Na wala ng iba makahihigit pa

Lahat silang maganda

Silang magkakamukha

Walang papantay sayo

Tunay kagandahan mo

 

Bakit iniwan mo ako?

May mali ba sa sarili ko?

Paano iisipin?

‘Di mo na ‘ko kayang tanggapin

 

Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

 

Ang hirap lang mabuhay

Nang ganitong mag-isa

Maaga na’kong nagising

Walang madali, lalo pag walang pera

Dahil minsan na’kong naghirap

Habang sila nakasakay

Ako’y lumalakad lang

Ilang kilometro

Hanggang umuwi na ng bahay

Gawin mo yun ng ilang taon

Magsawa ka ng mag-isa

Kinaya mo yun

Ngunit bakit ngayon

Hindi ko alam ang gagawin ngayon

 

Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

Hihintayin…

Hihintayin…

Hihintayin…

 

Sa bawat sandali na ‘di ka nakapiliing

Pinipilit ko, kinakaya ko harapin ang totoo

Na wala ka na, at wala ng iba

Ang makapapalit pa sa pangarap

Nating habang-buhay magkasama

 

Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

Hindi, hindi ko kaya umibig muli

Habang buhay na lang kitang hihintayin

Hihintayin…

Hihintayin…

Hihintayin…

Hihintayin…

Hihintayin…

Hihintayin…


More on Ace Banzuelo