420 Soldierz – Ghosting


Biglang darating mawawala daig mo pa multo

Nagpaparamdam lang nagbago na bigla kang naglaho

Ako’y na ghost ghost mo,teka nadali yata ko

Mukhang na ghost ghost nga ako daig mo pa multo

 

Darating at mawawala dinaig mo pa multo

Kanina kausap lang kita ngayon siniseen mo na ako

Biglang nalang walang paramdam nakakapagtaka

Akala ko ay okay na hindi rin pala

 

Bat’ ang labo mo, ang hirap ng basahin ng ugali mo

Kada lapit ko ay papalayo ka sakin na tumatakbo

Mukha yatang nabiktima ako ng multo

Sa ghosting ay nadali ako

 

Biglang darating mawawala daig mo pa multo

Nagpaparamdam lang nagbago na bigla kang naglaho

Ako’y na ghost ghost mo, teka nadali yata ko

Mukhang na ghost ghost nga ako daig mo pa multo

 

Akala ko ay totoo ang lahat ng sinasabi mo

Bawat reply mo sakin kung alam mo lang ay kinikilig ako

Biglang di ka na makausap sa tuwing ako ay tumatawag

Hindi mo ko malingon sa bawat araw ‘pag ikaw ay aking nakikita

 

Napakabilis mong makalimot para hindi mo matandaan

Mga sweet chat ko ngayon ay siniseen mo na lamang

Mukhang nabiktima ako ng multo di na nagparamdam

Jusko! sana hindi nalang naniwala sayo

 

Biglang darating mawawala daig mo pa multo

Nagpaparamdam lang nagbago na bigla kang naglaho

Ako’y na ghost ghost mo, teka nadali yata ko

Mukhang na ghost ghost nga ako daig mo pa multo

 

Biglang dumating at nawala kahapon lang magkausap

Ngayon di ka na mahanap ako’y na auto block

Kokonsultahin na sana kay mamang albulayro

Baka pwedeng tulungan ako , bigla ka nang multo

 

Dati pag gising ko pangalan mo palagi nasa inbox ko

Walang message mo nababasa ko nalang expired na ang load ko

Nadali nga ng ghosting naku po!

Biglang nagparamdam tapos naglaho

 

Biglang darating mawawala daig mo pa multo

Nagpaparamdam lang nagbago na bigla kang naglaho

Ako’y na ghost ghost mo, teka nadali yata ko

Mukhang na ghost ghost nga ako daig mo pa multo

 

Ano ba yan ba’t di ka na nagparamdam

Ang sama sama sa pakiramdam kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan,

Pakiramdam ko ay wala na akong kalalagyan

Bigla mo kong siniseen di na namamansin

 

Bakit ganun kung kailan natutunang mahalin,

hinahanap hanap ka ako’y nabihag ng husto,

Mukhang nagkamali pa sa babaeng ginusto

Nawala parang bula sya, naku po! jusko!

 

Nakatagpo na naman ako ng multo

Wala palang ibig sabihin ang mga larawan na pinasa mo

Mga usapan at tawanan inuuna kang ichat kesa ako ay mag agahan

Umaasa kasi ako na di mo ko iiwanan pero nagkamali ako

Ako’y naghost mo puro broken na naman ang kasunod na post ko

 

Biglang darating mawawala daig mo pa multo

Nagpaparamdam lang nagbago na bigla kang naglaho

Ako’y na ghost ghost mo, teka nadali yata ko

Mukhang na ghost ghost nga ako daig mo pa multo


More on 420 Soldierz