Still One – Kasalanan Ko (feat. Joshua Mari)


Lahat ay kasalanan ko kung bakit tuluyan ka ng lumayo

Di ko naiisip na meron kapang gusto na di ko kaya na maibigay sayo

Ako ang rason kung bakit nawalan ng sigla

Ang relasyon na dati nating iniingatan pa

At ngayon ay mukhang malabo na ang tulad mo’y

Di ko na mababawi pa

 

Patawad kung hinayaan kong matapos ang lahat ng ‘to

Pasensya na kung ito lang ako

At pag ibig lang ang kaya kong ibigay

Sana ay alagaan ka rin niya

Alam ko na kaya nya mapunan sayo lahat bukod sa pagmamahal

 

Kasalanan ko lahat kung bakit bumigat

At tuluyang nawasak ang pag ibig na

Minsang pinag alayan ng buo at puso’y para sayo

Na kahit kailan ay di sumapat sayo

 

Oo kasalanan ko kung bakit tayo humantong tayo sa ganito

Kung nabigay ko sana ang lahat ng gusto mo

Hanggang ngayon nandito ka sana sa tabi ko

Yung mga panahong nagtuturo ka sa bulsa ni wala akong makuha

Sa tuwing ika’y nagtatampo na di ko maiwasang mapaluha

 

Kasi ito lang ako hindi mayaman, mahirap na walang pinag aralan

Magbuhat ng ako’y iyong iniwan, sarili ko’y aking pinabayaan

Pakiramdam ko ay pinagkaitan na ako ng pagkakataong lumigaya

Pilitin ko man ngumiti pero ang totoo ay hindi ko na kaya

 

Kaya tama lang ako’y masaktan, dapat lang na ako ay mag isa

Hindi ko nagawang maging perpekto, feeling ko pinabayaan kita

Sorry kung ako’y naging pabaya, nung ang gusto mo’y di ko kayang bilhin

Wala akong magagawa dahil ang kaya ko lamang ay ang ikaw ay mahalin

 

Aking mata ngayon sobrang mugto, para kong binagsakan ng mundo

Nung iwan mo ko at sinabi mo saking sinayang ko lamang ang panahon mo

Tama ka sayong mga sinambit, tama lang na di kana bumalik

Dapat lang na binitawan mo na ako at tuluyang pinagpalit

 

Kasalanan ko lahat kung bakit bumigat

At tuluyang nawasak ang pag ibig na

Minsang pinag alayan ng buo at puso’y para sayo

Na kahit kailan ay di sumapat sayo

 

Kasalanan ko lahat kung bakit bumigat

At tuluyang nawasak ang pag ibig na

Minsang pinag alayan ng buo at puso’y para sayo

Na kahit kailan ay di sumapat sayo

 


More on Joshua Mari