• New User?
  • Register
  • |
  • Login
  • You are logging onto Juice using Facebook Connect.

    Do you have an existing Juice Account?
    Please note that by taking this step your Facebook login details become your default login details. You will then enter the email address you registered with Facebook to logon.
  • Follow Us
  •  
  • Follow us on facebook
  • Follow us on twitter
  • Subscribe to Juice.ph on Youtube

Sports and Hobbies

Pilipinas sa London 2012: Uhaw ang Tigang na Lupa

Posted on August 09, 2012 by Norman Lee Benjamin Riego
Sa kabila ng walang patid na pag-ulan ay nagpapatuloy pa rin ang pangyayaring minsan sa apat na taon lamang: ang Olympics na ngayong 2012 ay nasa London, United Kingdom. Sa kabila rin ng nakalulunod na tubig na ibinuhos ng hanging habagat lamang na nagmistulang bagyo, ay nagpatuloy pa rin ang pagkauhaw sa medalya ng tila natutuyong Pilipinas.


Huli tayong nakaani ng medalya noong 1996 Atlanta Olympics kung saan nag-uwi ng pilak si Mansueto “Onyok” Velasco sa larangang boxing. Matapos nito's labindalawang taon nang walang bunga at natigang na ang lupaing simula't sapul naman ay hindi naging sagana sa medalya. Sa 21 Olympiad na nilahukan na ng Pilipinas, siyam na medalya pa lamang ang naiuuwi sa Maynila: 2 pilak, 7 tanso, at walang kaani-anino ng ginto.

Nakakababaliw isiping ang tinatawag na “Greatest Olympian in History” ay mas matagumpay pa bilang indibidwal kaysa Pilipinas bilang bansa. Sa tatlong Olympiad pa lamang na nalahukan ni Michael Phelps, 21 medalya na ang naiuwi niya sa Washington, DC: 18 ginto, dalawang pilak at dalawang tanso. Kakat'wang isiping mas marami pang mga gintong medalya si Phelps kaysa kabuuang bilang ng medalya ng Pilipinas sa kasaysayan nito.

Sa London 2012 lamang mismo, ngalay na marahil ang leeg ni Phelps habang wala pang kahit anong naisasabit sa leeg ng Pilipinas. Nagkamit ng anim na medalya – apat ginto at dalwang pilak – ang manlalangoy. Higit sa kalahati na nga ito sa mismong delegasyon ng Pilipinas: 11 atleta; ang pinakamaliit na bilang mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Habang tila malapit nang mapantayan ni Phelps ang likas na yamang ginto ng Pilipinas, ang ating mga atleta ay uuwi na lamang na minimithing makapaghukay ng sariling ginto para sa pansariling medalya.




Sa kompetisyong Men’s Individual, naitala ni Mark Javier ang 649 puntos, sapat lamang upang mapuwestong ika-55 sa 64 kalahok. Hindi na siya pinalad pa sa Round of 64 nang talunin ng atleta ng USA sa markang 1 laban sa 7.



Hindi naman gaanong naiba ang kapalaran ni Rachelle Anne Cabral sa Women’s Individual nang siya ay nagtala ng 627 puntos upang mapuwestong ika-48 sa 64 kalahok. Natalo rin siya sa markang 1 laban sa 7 noong Round of 64, sa kamay naman ng atleta ng Russia.
ATHLETICS


Naging maliwanag ang pag-asa kay Marestella Torres sa kompetisyong Long Jump matapos niyang mapanalunan ito sa nakaraang Southeast Asian Games. Ngunit nagmistulang pang-Southeast Asia lamang ang husay ni Torres nang kapusin siya sa talang 6.22m. Nagtapos siyang ika-22 sa 28 kalahok at hindi na nakalusot patungong finals (ang Top 12 lamang ang umaabante).


Makislap din ang dalang pag-asa ni Rene Herrera sa kompetisyong 5000m nang siya ang tanging atleta mula sa Southeast Asia na makapasok. Ngunit wala muling narating ang paghahari sa rehiyon nang matamo niya ang oras na 14:44.11, kanyang pansariling pinakamabilis ngunit pumuwesto pa rin sa kanya bilang huli sa 42 kalahok.


BOXING


Malimit marinig na “Nasa boxing ang ginto.” Ganoon ang pasan ni Mark Anthony Barriga nang suungin niya ang kompetisyong Light Flyweight, kung saan naging pinakamatagumpay ang Pilipinas sa kasaysayan nito. Sa kanyang unang laban sa Round of 32, pinagtibay lamang ni Barriga ang pangako nang talunin niya ang atleta ng Italy sa 17-7 kartada. Subalit nagtapos ang kanyang sumunod na laban sa kontrobersiya. Tinalo ng atleta ng Kazakhstan si Barriga sa markang 16-17 matapos patawan ng referee ang boksingerong Pilipino ng paglabag na "ducking". Dahil dito, hindi na nakapagpatuloy pa si Barriga sa quarterfinals.




Isang Filipino-American ang sakay ng bisikletang kulay Pilipinas sa kompetisyong BMX. Kinilala si Daniel Calauag bilang #1 BMX Rider sa USA ng ilang taon, ngunit kinulang pa rin nang siya ay makasabit lamang sa susunod na round. Nagtapos ang kanyang qualifying heat sa oras na 40.900 at nagawad sa kanya ng pinakahuling pasok sa Quarterfinals.


JUDO


Ang dual citizen (Filipino at Japanese) na si Tomohiko Hoshina ang nagsuot ng kulay ng Pilipinas sa kompetisyong +100kg. Hindi nakatulong ito sa kanya matapos dispatsahin ng kalabang atleta ng South Korea sa loob lamang ng higit isang minuto.


SHOOTING

Pumuwestong ika-31 sa 36 kalahok si Brian Rosario sa kompetisyong Skeet dala ang kartadang 109. Hindi na siya naka-target pa nang hindi makausad sa finals (Top 5 lamang ang umaabante).


Mahilig ka ba sa mga "bargain"? Bumisita sa EYP Deal Finder at pumili sa napakaraming diskwento!



SWIMMING


Habang inangkin ni Phelps ang pagkakilalang “Greatest Olympian in History,” walang kahit anong naimarka sa Pilipinas mula sa swimming pool. Lumangoy si Jessie Lacuna sa oras na 1:52.91 sa kompetisyong 200m Freestyle upang mapuwestong ika-36 sa 40 kalahok habang tinapos naman ni Jasmine Alkhaldi ang kompetisyong 100m Freestyle sa loob ng 57.13 upang mapuwestong ika-34 sa 50 kalahok.


Tubig panligo na ang kinaharap ng dalawa matapos hindi makalusot sa semi-finals (Top 16 lamang ang umaabante).


WEIGHTLIFTING


Nagtapos ang kompetisyong Women’s -58kg sa luha para kay Hidilyn Diaz nang hindi niya matapos ang parteng Clean & Jerk. “Did Not Finish” and naging pinal na marka ng flag bearer ng Pilipinas sa London 2012.


Mula rin sa Juice:


12 Guns Made Famous in Movies
Juice Buhay Pinoy: Dahil ikaw ay isang Pilipino

Leave a Comment

Login first to submit a comment

Comments

Faye Galano Sandig said:

Star-ratings-100Star-ratings-100Star-ratings-100Star-ratings-100Star-ratings-100
(October 02, 2012 12:00:00 AM)